Tula

April 17, 2024

SLEEPER CELL 

Dumakò sa gubat ng sarili.

Bagamá’t sangá-sangá ang trapik ng isip.

Damhín ang ihip sa kubikong silíd

Bilang simoy sa bukana ng kamalig.

Pikít ang matá, pag-iralin ang balahibo.

Gawíng totoó ang paá, tadyáng, balikat, noó.

Dinggín ang mga ringtone, busina at mura;

Kasabáy ng lagaslás ng umiibig na batis.

Bilangin ang bawat nadarama, nadiriníg.

At sakâ idilat ang matá sa detalye ng sandata.

–Jose Jason Chancoco

   Abril 17, 2024

Leave a comment