NEW PODCAST

May 10, 2007

UNIBERSO

Sa unang pagpintig ng pulso sa puson,
Pulang araw ang buhay sa uniberso ng laman.

Iikutan ang atom ng lakas ng electron
At didilat ang nucleus ng musmos na dugo.

Sisipa ng sigla ang mitochondrion
At kuyom na kamao ang bagsik ng lyzosome.

Sasabay sa indak at himig ng Dibdib
Ang mumunting sayaw ng mga chromosome.

Anupa’t kung may Hiblang humaba o kumapal,
O kaya naman ay may Hiblang lumabis;

Tutulis ang mga ngipin at hahaba ang kuko.
Lalapad ang braso at balahibo ay damo.

Sa dikta ng Hibla ay susunod ang hanay
Ng osteocyte, fibrocyte at adiposa.

Lalapatan ng laman ang binhi ng paghinga
Sa diperensasyon ng utak, baga at atay.

Saka unang iluluwal sa liwanag ang baguntao
At iiyak sa unang paghaplos ng simoy.

Saka unang huhugot ng hangin ang bronchus
Na wala pang kilalang buntunghininga.

Madulas ang pagyakap ng pericardium sa sentro
Ng mekanikal na pandama ng kaluluwa.

Ihehele ng duyan ang pagsibol ng puso
At duduyan ang dugo sa fossa ovalis

Na foramen ovale sa dibdib ng fetus.
Titingala ang erythrocyte sa anulus ovalis

Na naglahong pintig ng septum primum ng embryo.
Na kapwa nagmula sa septum secondum.

Anupa’t sa kalawakan ng lupa at dagat,
Ang sayaw ng paghinga ay sa tambol lamang ng cardium.

Sa libong spermatozoang sumisid sa ovum,
Perlas tayong umahon na walang kawangis.

Ang pulang araw sa simula ng uniberso ng laman
Ay pipintig ng liwanag sa angking sandali.

At ang kalawakan ng huklubang uniberso ng mga tala
Ay may binhi ng salaysay ng ating kaluluwa.

-Jose Jason L. Chancoco

(Photo by Kaye Buena)

http://www.gcast.com/u/hagbayon/

4 Responses to “NEW PODCAST”

  1. tomachfive said

    You did again, Jason. Not one embryonic cell division until adulthood is exactly the same, and the progression of your poem towards the cosmos just underscores the fact that life in it is never boring, not one moment is the same.

  2. hagbayon said

    Yes, that’s pretty much it. Thanks!

  3. tomachfive said

    What’s the latest news now in the Motherland, Samurai?

  4. hagbayon said

    The usual vote-buying, but then it was peaceful. I have a new (louder) version of this podcast. Check it out Bro.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: